Wednesday, August 31, 2011

Balang Araw

Ang unang-una kong bibilhin ay bookshelf sa unang-una kong suweldo, yung maganda, yung pang matagalan. At study lamp para puwede ako magbasa sa gabi, o habang malamig at umuulan sa labas. Pagkatapos noon ay puro libro na. Maraming-maraming libro ang ilalagay ko sa kuwarto ko, hangang mapuno ang una kong biniling bookshelf. Bibili ako uli ng bookshelf pagkatapos nun.

Kapag papasok ako sa trabaho, dapat may baon ako. Magbabaon ako ng chicken at gulay, yung steamed. Mag-gy-gym din ako, o swimming, o kahit tumakbo-takbo lang diyan sa may kanto. Para healthy, para guwapo pa din, dahil mataga-tagal din akong uupo sa trabaho at hindi gaanong gagalaw.

Magbibisikleta na rin siguro ako papuntang opisina. Kung pwede, naka-scooter. Parang masaya mag scooter katabi ang dagat. Malamig ang simoy ng hangin, maganda ang view, pang-pelikula.

Aakyat ako ng bundok, yung nasa postcard. Maglalaro sa hamog at niyebe. At mag-susurfing din ako, balita ko uso naman yun doon. Uupo ako sa ilalim ng namumukadkad nilang mga puno at mag-tsa-tsaa. Yung mga templo, iisa-isahin ko.

At siguro, kung may tumanggap sa akin, susubukan ko mag-aral ng archery. Bagay siguro sa akin ang archery. Sport siya na solo lang, at kailangan mo lang mag-concentrate sa iisang sandali. Kailangan mo lang ng isang perfect na second, tapos ok na, bitaw na, manonood ka na lang. Sarap.

Magpapaka-dalubhasa ako sa trabaho ko, yung tipong dapat kaya ko gawin lahat ng kaya ng kasama ko. Pero hindi dahil nag-mamagaling. Gusto ko lang matutunan, para matulungan ko rin sila. At yung language, tuloy-tuloy yung practice. Siguro, maglalaan ako ng araw na maliligaw lang ako sa siyudad. Para lang mapilitan ako magtanong, makipag-usap, makipag-sapalaran.

Tatlong taon rin ako magsa-stay dun. Buti na din yung may plano. Pero ang importante, mag-enjoy ako. Sa palagay ko, yun ang pinaka-madaling gagawin sa lahat.

4 comments:

  1. May bookshelf ako nun sa kwarto ko.. Kasi may dalawang dosenang libro pa lang naman ako, kaya mga dalawang shelf lang nag napuno.. Unti-unting napuno ng kalat yung ibang shelves.. Nainis ako, tinanggal ko sa kwarto, pampagulo lang at sa pag-gising, ayokong magulo ang una kong nakikita.. Siguro pag marami na akong libro.. Pero baka hindi rin kasi unti-unti na akong lumilipat sa ebooks.. Salamat kay Kindle! Kaya ayun.. hmmmm.

    ReplyDelete
  2. fapri said: Pero baka hindi rin kasi unti-unti na akong lumilipat sa ebooks.. Salamat kay Kindle! Kaya ayun.. hmmmm.
    Haha! Dahil medyo maselan ang paksa ng mga librong aking tatangkaing ipunin, marahil ako'y mangangailangan na muna ng isang i-skaner para mailipat ito papaloob ng nabanggit mong kagamitan na kindel.

    ReplyDelete
  3. Ayos! Gawa ka ng checklist tapos pakopya. Hahaha. Enjoy dun! Kitakits! :D

    ReplyDelete
  4. rogenedotcom said: Ayos! Gawa ka ng checklist tapos pakopya. Hahaha. Enjoy dun! Kitakits! :D
    Parang eto na yun! Pero kung may naisip pa ako, sige sige! At kung may bilin kayo na ipadala, sabihin nyo na agad!

    ReplyDelete