Sunday, August 7, 2011

Pagkakataon

Walang plano, walang mangyayari. Sa katapausan, sa dulo, sa hanganan, saan hahanapin ang susunod na hakbang, ang nagtatagong kabanata, ang nagbabanta, ang posible?

Nagtatanka tahakin ang tapos na. Sinusubukan ang hindi pa nauulit. Sinisilip ang hindi pa nagaganap.

Parang mahirap tumungo sa hindi pa napupuntahan. Hindi ata posible yun. Kelangan muna magbago, tangalin ang balat-kayo ng naparirito upang suotin ang mukha ng naparoroon. Kailangan magunaw bago mabuo muli.

Sa katapusan, dahil walang destinasyon, lahat ay nagiging destinasyon. Oportunidad. Ang natitira ay ang desisyon: kaliwa, kanan, dito, doon.

Ang hirap naman pumili. Ang hirap magtapos, magtagumpay. Saan ba umuuwi ang mga bayani pagkatapos ng gera? Saan ba bumabalik ang mga kuwentong na kuwento na? Saan umuuwi ang pangarap, ang dalangin, kapag natupad na?

Anong natitira sa taong umusad, nagbago, at hindi na nakikilala?

No comments:

Post a Comment