Sunday, March 19, 2006

Ang aga ko magising. Senyales na to.

Yung pc ko naayos na ng ate ko at ng kanyang mahusay na boypren. Medyo bumagal at nagtotopak na yung ym pero buti na yung ganito kay sa nag-bebeep at maarte mag-boot. And if your curious, nde ko pa nasimulan uli thesis ko.

Ganun lang talaga pag-nawalan ka ng gana.

Malabong adviser, faulty equipment, multiple deaths (MDK, haha), graduation jeeters at syempre yung hirap ng thesis yung pwede ko gawin dahilan para ma-justify kung bakit nde na nasa top priority yung aking CAPTCHATTACH (patent not pending). Pero mababaw na rason yung mga yun e.

Ang rason ko talaga e ayoko na ma-stress. Dahil gipit na ko sa oras, shift ko na lang attensyon ko sa mga exam na NOW ko na dapat problemahin. 3 baes exams at physics (Yung baes pa lang aray na). Come to think, meron pa naman ko time sa summer (although malamang sa first sem ng 06-07 na ko makakadefense dahil ganun daw talaga yun sabi ni sir baes).

Pacing lang, pacing. I mind my pace for my peace of mind.

Sawa na ko gawin yung mga bagay bagay dahil lang kasi deadline nya bukas. Kaya hinde ko naramdaman yung college life ko, kaya parang nasagasaan lang ko ng last 3 years ko dito. Its all because yung heart ko hinde nakalagay sa lahat ng ginagawa ko.

Gusto ko na ng ganun uli. Gusto ko ibalik yung feeling ng pagiging mag-aaral nung highschool, nung lahat ng bagay ki-na-kareer kasi masaya mag-aral.

Oo, aminado na kong geek pero sa tingin ko lang talaga, bakit ka naman hinde mag-eenjoy pag nadiskubre mo kung pano gumana ang radio? speakers? Kung pano mag-sched ng conflicting scheds? Na maximum of 5 colors lang ang nasa kahit anong mapa sa mundo? at kung bakit?

Ansaya matuto kasi andami matututunan. Pero kelangan ko mag-pacing. Anhirap mag-cold turkey, purol pa yung kutsilyo ng utak ko.

picture insert: Ang galing lang, ngayong umaga yan of 3/20/06

pos script: Nag-aaral na ko ng hapon ng malupet. The powah of the internet. Sa mga may ipod, www.japanesepod101.com .

Friday, January 20, 2006

nag aaral ng physics

... and I'm enjoying it so much na yung libro iniwan ko na lang sa tabi at naginternet na lang ako.

naisip ko lang..

--> ang galing, yung mga talagang hilig ko hindi nyo hilig pero masaya pa rin pag kayo kasama. haha.

--> sa tingin ko lang, kaya ko gusto magsalamin kasi meron akong malabong pagkatuwa sa mga abubot.

--> at ansaya ng physics, kahit pagalitan ka pa ng proff mo sa lab.

--> sa tingin ko lang, yung BS(bullshit) parang electric charge yan e. Pag inexpose mo ang isang tao sa BS, magkakaroon ng +BS charge yung tao pero yung isang side nya meron -BS charge na ipapasa nya sa iba. Siguro maghanap ka ng isang malaking tao na pwede mo pagpasahan ng BS mo tapos mawawala lang kasi sobrang laki nung tao (parang na-ground yung BS).

Anu yung point? Wala lang, ang BS kumakalat. Kaya pag nag BS ka ng tao, konsensya lang. Nagcontribute ka sa net BS ng mundo, karma ata yun.

--> na sobrang panget yung nde pumapasok. Bago mag 3rd year parang takot pa ko maabsent e, at bago rin mag 3rd year nde ko problemado sa aral. Masyado na ko stressed ngayon para idamay pa ang pagaaral sa worries, kaya sana lang, matuto na ko.

~mainit man o mahangin, kahit saan pwede ko sya dalhin, sa edsa man o sa divisoria...~

Wednesday, January 18, 2006

bad hair and other tragedies

It is official. Masyado na magulo buhok ko. The whole does-not-comb-kunwari-bago-gising look is not working. How'd I come to this conclusion, you ask? Yung ate ko bigyan ako ng "VOLUME control texture and styling concentrated creme" and it's not my birthday. By golly.

My parents treat my like I'm a damned kid and I'm getting really tired of it. I'm sure your thinking something along the lines of "at least they dont hate you, or scold you too much or sell you to an international slave market" but, geeez! I've had it up to here with obvious questions and the constant speculations. Argh.

Not to mention I'm nowhere near starting my thesis. Heck, I'm actually practically back to square one since all my research just got deleted because of that damned video card fiasco.

And someone just farted in close proximity. Fate, what a prankster.

Things are looking grim and time is no friend to me right now. At least I've got volumizing creme to keep me company. Yihaa.

Brokeback mountain. Yihaa. Jazz Fest. Yihaa. Guildpact pre-release. Yihaa. Graduation. Yihaa.

Sige lang, dindin. Cheer yourself up. Kaya mo yan.

Oh crap, nagsunog ako ng bulate. Fate, what a prankster.


div.itemactions a, div.ritemactions div.addthis_toolbox a { text-decoration: none !important; border: 0 !important; -moz-box-shadow: none !important; -webkit-box-shadow: none !important; box-shadow: none !important;; padding: 0px !important; background: none !important; }
(function(d,s,id) { var js; var fjs = d.getElementsByTagName(s)[0];if(d.getElementById(id)) {return;} js=d.createElement(s); js.id=id; js.src='//connect.facebook.net/en_US/all.js#xfbml=1'; fjs.parentNode.insertBefore(js,fjs);}(document, 'script', 'facebook-jssdk'));var addthis_share = { templates: { twitter: "{{title}} {{url}}}" }} var img = new Array(); img[0] = new Image(); img[0].src = 'http://images.multiply.com/multiply/icons/clean/20x20/share-email-hover2.png'; img[1] = new Image(); img[1].src = 'http://images.multiply.com/multiply/icons/clean/20x20/share-hover2.png'; img[2] = new Image(); img[2].src = 'http://images.multiply.com/multiply/icons/clean/20x20/share-email2.png'; img[3] = new Image(); img[3].src = 'http://images.multiply.com/multiply/icons/clean/20x20/share2.png';

Blog Entrykaya lang naman ko online ngayong 1/1/06Jan 1, '06 11:59 AM
for everyone

Obviously, nagaabang ako ng email na magsasabi "sino bang baliw na nakaisip na meron pasok ng monday? ala naman kaya, stirero lang yun". Pero dahil wala, ako ay biglang kinabahan dahil past 12 na at meron pa ko klase mamaya ng 8.30. What a great way to (re)start the schoolyear: puyat.

Basta, this year will be great! Hinde ko alam kung masaya, o malungkot pero alam ko marami mangyayari at pagnatapos na tong year na to masasabi ko na lang "waw, buhay pa ko."

Btw, tapos na ang the shining. Huwaw, ilang araw rin ako nabaliw dahil sa librong yan. Psych~o!

And for your enjoyment, ang pwet ng burger mascot ng tropical hut. Did i say enjoyment? I meant HORROR! HORR~OR!

Friday, December 30, 2005

floopy disk

Stress! Naramdaman ko na. Parang malupet na ulap na itim na dahan dahang tumatakip sa kalangitan. Ayan na yung next week. Tapos imbis na magtrabaho ako at magaral para sa 3 exam na lam ko meron ako next week (not to mention mga assignment), nanood na lang ako ng 'masikip sa dibdib' at mas lalong na dishearten.

Attached e isang picture ng binebentang laptop. Something funny para matangal yung gloom na medyo marunong sumakal.

Thursday, December 29, 2005

ano ba to? kala ko ba God na trip mo?

http://venganza.org/

Ito ay isang link sa isa sa mga nakakatawang site na nakita ko sa buong buhay ko. Kaso hinde ako natawa, nagresearch ako. At kinakabahan ako dahil naiintindihan ko yung punto nila. Sa tingin ko ang status ng belief system ko pag nasa yahoo messenger nakalagay e "sobrang lupet na halo-halo pero maraming gatas at asukal"

Tuesday, December 27, 2005

meri xmas, everybody. hapi new year, too.

Meri xmas, mga tsong. At hapi new year na rin.

Anlupet ng taon na ito, no? Para bang walang hangan na ligaya. Hinde ko tlaga maintindihan kung ano ba ginawa ko at nabigyan ko ng sooper spectacular na year (ang hula ko nga e baka dahil yung zodiac ko e naka align sa isang planetang matindi ang dating), pero malay natin, baka si God lang yun. Lagi daw kc ko kumakanta sa choir at baka ito na nga yung "just desserts". Ty, God. Ty very very much.

Grabe, and to think i never liked anyone talking bout God (much more upper-casing the 'g'). Who wouldve thunk magpapaka choir ako (voluntarily) at mag eenjoy. Fate, what a prankster.

Close na talaga kami nyang si Fate e (let's just say si God yung fate pero yun na lang yung word, para nde magmukhang self-righteous), ang year na to alone parang nahalikan ako ni Lady Luck at lahat ng mga bagay nag work out for the best. Nalulungkot nga lang ko hinde ko mahawaan lahat ng kakilala ko (para lahat nakapunta ng Rome, naka tapos agad ng sp proposal, naka jackpot ng xmas, nakaregular, nagka buklod ang family, naka maintain ng sanity, nagkaroon ng 'zest for life' pero nde yung 'soap for life', etc) para sobrang spread the love!

Gusto ko talaga magpasalamat, pero nde ko lam kung saan. Me naisip na ko pero nde ko na siguro sasabihin, paparamdam ko na lang, nax.

Ansarap tlaga mabuhay na parang nasa kamay ng tadhana ka lang. Lahat ng ginagawa mo walang regret kc iisipin mo lang na 'ganyan siguro tlaga dapat yung kakalabasan' (parang destiny ko ma-late, mapa-aga, sumakit tiyan, magsayang ng oras, mangamba, mag panic, etc.) tapos hahanapin mo nga kung anu yung sense (na late ka para sakto dating mo, maaga ka dahil tutulong ka magtulak ng kotse, sakit ng tiyan para sa bahay ka lang, magsayang ng oras para maaprciate yung oras, etc) pero siguro itong paghahanap ng sense e applicable sa lahat ng mangyaring situation. Lahat pwede majustify siguro if your optimistic enough.

Onga pala, salamat iwi sa libro. Sinadya mo ba na yung isang character pangalan Danny? Kasi kinikilabutan ako dahil nung bata ko meron din ko mga phase na meron imaginary friend... pero nilalayuan ko. Siguro kung kinunsinte ko sya baka meron astig nangyari sakin sa childhood ko, kinokontak ko sya ngayon. Yung picture sa harap ng libro... parang ganun yung pagkakaalala ko sa friend kong yun... yung balat ko gumagapang nanaman.

Sige tama na to, gagawin ko pa ang aking contingency plan para sa panic wednesday, and it is wednesday today. Sana nde mabura bigla yung post na to, anhaba e.

Sunday, December 18, 2005

isang larawan ng kalungkutan, si Hobbes, mga pangarap at isang larawan ng kaligayahan

Anlungkot talaga pag napuno yung quota (see figure A, yan yung backlog ng pix. Folders na maraming laman). Malamang lang kasi pasko at meron party left and right pero malungkot pa rin, mas nakakalungkot ngayon kasi narealize ko na ala na ko magagawa.

Pauplaod naman diyan, hahaha. Penge passwords!

Inisip ko nga rin na gumawa ng pangalawang account, pero parang wala nang sense. Isang month lang naman hihintayin at siguro naman nde na ganun karami pictures next month, siguro sa mga bday na lang.

Anyway, ansaya pa rin pala. Yung kaibigan namin(yung nagimbita samin mag paka itayano for 2 months) pumunta na sa Italy to spend xmas there (wow, may snow kaya dun?). Pero bago sya umalis nag breakfast kami sa Conti's at parang napasobra kain nya, haha. Deceptive yung pagkain dun. Kala mo konti, hi-density pala.

Ayun, daan muna bahay nya para ipatago na sakin yung 'goods', mahirap na mahanap ni Ate Gina habang nasa Italy sya. At as an after thought, pinauwi nya sakin yung copy nya ng 'The End of the Affair' at yung mga Calvin and Hobbes na book nya... That made my day. Meron na pampalipas ng mga malalamig na gabing maulan, magbabasa ko ng Calvin at Hobbes. Huwaw. Pero parang may catch, kelangan ko raw plastikan. Haha, sana maganda pagplastic ko, anlalaki nug libro e.

Anyway, tuloy pa rin yung mga simbang gabi sa teoville at tuluyan na tlaga nabanat yung boses ko (karaoke naman dyan!) at ang pinaka malupet na indication e meron tumawag na malamang lang e nakikipag phone pal at narinig ko sabihin "Ate, lalaki, maganda boses." Haha.

Ansaya talaga kumanta. Sana lagi pasko, para everytime kumanta, may kita. Kung pwede na lang gawing trabaho pag kanta, kahit na BS Comsci ang napuntahan ko. Siguro mag double bachelor ako or sumthing.. Para after ng trabaho, mag mo-moonlighting ako taga-sax at taga-song. Nax, that'd be so cool.

Tsaka pinalitan ko na avatar ko sa yahoo. Ang ganda kasi parang ansaya nila sa picture, parang normal lang makakita ng romance. Sobrang salamat sa artist ng www.britdoodz.com (haha, 18+ onleh) dahil ang galing galing nya tlaga mag drawing. Magaling din ako... Mag crop.


div.itemactions a, div.ritemactions div.addthis_toolbox a { text-decoration: none !important; border: 0 !important; -moz-box-shadow: none !important; -webkit-box-shadow: none !important; box-shadow: none !important;; padding: 0px !important; background: none !important; }

owel, owel, owel. ang ganda ng kanta ng guillenots. salamat salamat salamat. isang malupet na kaligayahan ang dinala mo sa tenga at speakers ng pc ko (at, dahil journal naman to, sa puso ko na rin).

hahanap din ako ng kanta, yung tipong yung bawat nota, bawat salita.. parang sinadya (at parang na tsamba na din) na nahuli yung kagandahan ng buhay. yung pagka simple, pagka sakto, pagka akma ng lahat, nakikita pala sa delata ng coke.

grabe. such a high, anu ba nakain ko, hahaha.

yung kanta sinagasaan ako, yung metaphor parang inangkin yung alaala ko at binigyan ng kunwaring resolusyon, and all the while yung bass tumutugtog na parang walang hangan at yung mga backup na boses parang nagche-cheer.

ang buhay tlaga, what a prankster!

at nde tuloy ang exams, what more can i ask.. isang halik na walang hanganan, isang akap na walang katapusan at isang tingin ng walang kamatayang ligaya ng puso.

sana nararamdaman nyo din tong euphoria, or sana nandto na rin kayo sa posisyon ko ngayon. at nde na kelangan magkaroon ng sense, kelangan lang masulat at maitago yung ligaya. parang nde gagana, parang masyadong madaya.

pero susubukin, kahit papano... kahit na maluma pa to at pumanaw na yung ala-ala, parang nandun pa rin yung sense of wonder. sa isang maikling sandali, nakangiti ako dahil kaya ko pala ngumiti. salamat.

Thursday, December 8, 2005

buksan sa pahina tatlong daan siyam na pu't lima

Takte, pinindot lang yung backspace, nawala na lahat ng tinype ko.

Pa-bullet form na lang...

1) Na dedepress ako sa libro ni iwi.
2) Ang pakiramdam ko ngayon ay 'confounded'.

Ang kapalaran, talaga. Prankster.

Wednesday, November 30, 2005

dsl ang sagot sa lahat

Eto na yung bagong pictures. Antagal rin na-upload yan kaya sana ikatuwa ninyo. Pag nakabit na dsl dito, kahit nde na kayo matuwa, ayos lang. Madali na lang kc magupload.

Nagpagupet na rin pala ko, nakakanibago lang. Natutuwa na ko na nde na kelangan maging uber-suklay reliant pero mamimiss ko rin yung haba ng buhok ko. Syempre, nde na pwede magpahaba, malapit na graudation at mag-aaply na ko sumwer na pihadong nde mahilig sa longher, owel.

Tuesday, November 29, 2005

old doggie, new trickie

Antagal na pala akong merong account dito sa multiply, nde lang nagagalaw. Hinde naman nakakagulat e ala naman kasi ako pang-'pichoor' nun. Pero ngayon meron na kaya angaling. Ate ko may kasalanan kaya ko nagka account noon, pero mga kaibigan ko ang totoong salarin sa pagkadamay ko sa bandwaygon na tow.

Ito nga pala ay isang subok lamang. pakitawag si 'mike tess' tsaka si 'wan tu tri'.

<--- bahay ni mike, more to come pag nagkadsl na kow, pwamis

si bepren sa bahay nya! --->

<--- ang pabulong na kagandahan ng faura, sa dapithapon