Sunday, December 18, 2005

isang larawan ng kalungkutan, si Hobbes, mga pangarap at isang larawan ng kaligayahan

Anlungkot talaga pag napuno yung quota (see figure A, yan yung backlog ng pix. Folders na maraming laman). Malamang lang kasi pasko at meron party left and right pero malungkot pa rin, mas nakakalungkot ngayon kasi narealize ko na ala na ko magagawa.

Pauplaod naman diyan, hahaha. Penge passwords!

Inisip ko nga rin na gumawa ng pangalawang account, pero parang wala nang sense. Isang month lang naman hihintayin at siguro naman nde na ganun karami pictures next month, siguro sa mga bday na lang.

Anyway, ansaya pa rin pala. Yung kaibigan namin(yung nagimbita samin mag paka itayano for 2 months) pumunta na sa Italy to spend xmas there (wow, may snow kaya dun?). Pero bago sya umalis nag breakfast kami sa Conti's at parang napasobra kain nya, haha. Deceptive yung pagkain dun. Kala mo konti, hi-density pala.

Ayun, daan muna bahay nya para ipatago na sakin yung 'goods', mahirap na mahanap ni Ate Gina habang nasa Italy sya. At as an after thought, pinauwi nya sakin yung copy nya ng 'The End of the Affair' at yung mga Calvin and Hobbes na book nya... That made my day. Meron na pampalipas ng mga malalamig na gabing maulan, magbabasa ko ng Calvin at Hobbes. Huwaw. Pero parang may catch, kelangan ko raw plastikan. Haha, sana maganda pagplastic ko, anlalaki nug libro e.

Anyway, tuloy pa rin yung mga simbang gabi sa teoville at tuluyan na tlaga nabanat yung boses ko (karaoke naman dyan!) at ang pinaka malupet na indication e meron tumawag na malamang lang e nakikipag phone pal at narinig ko sabihin "Ate, lalaki, maganda boses." Haha.

Ansaya talaga kumanta. Sana lagi pasko, para everytime kumanta, may kita. Kung pwede na lang gawing trabaho pag kanta, kahit na BS Comsci ang napuntahan ko. Siguro mag double bachelor ako or sumthing.. Para after ng trabaho, mag mo-moonlighting ako taga-sax at taga-song. Nax, that'd be so cool.

Tsaka pinalitan ko na avatar ko sa yahoo. Ang ganda kasi parang ansaya nila sa picture, parang normal lang makakita ng romance. Sobrang salamat sa artist ng www.britdoodz.com (haha, 18+ onleh) dahil ang galing galing nya tlaga mag drawing. Magaling din ako... Mag crop.


div.itemactions a, div.ritemactions div.addthis_toolbox a { text-decoration: none !important; border: 0 !important; -moz-box-shadow: none !important; -webkit-box-shadow: none !important; box-shadow: none !important;; padding: 0px !important; background: none !important; }

owel, owel, owel. ang ganda ng kanta ng guillenots. salamat salamat salamat. isang malupet na kaligayahan ang dinala mo sa tenga at speakers ng pc ko (at, dahil journal naman to, sa puso ko na rin).

hahanap din ako ng kanta, yung tipong yung bawat nota, bawat salita.. parang sinadya (at parang na tsamba na din) na nahuli yung kagandahan ng buhay. yung pagka simple, pagka sakto, pagka akma ng lahat, nakikita pala sa delata ng coke.

grabe. such a high, anu ba nakain ko, hahaha.

yung kanta sinagasaan ako, yung metaphor parang inangkin yung alaala ko at binigyan ng kunwaring resolusyon, and all the while yung bass tumutugtog na parang walang hangan at yung mga backup na boses parang nagche-cheer.

ang buhay tlaga, what a prankster!

at nde tuloy ang exams, what more can i ask.. isang halik na walang hanganan, isang akap na walang katapusan at isang tingin ng walang kamatayang ligaya ng puso.

sana nararamdaman nyo din tong euphoria, or sana nandto na rin kayo sa posisyon ko ngayon. at nde na kelangan magkaroon ng sense, kelangan lang masulat at maitago yung ligaya. parang nde gagana, parang masyadong madaya.

pero susubukin, kahit papano... kahit na maluma pa to at pumanaw na yung ala-ala, parang nandun pa rin yung sense of wonder. sa isang maikling sandali, nakangiti ako dahil kaya ko pala ngumiti. salamat.

1 comment:

  1. gelangenie said: Pauplaod naman diyan, hahaha. Penge passwords!
    sakin mu pload.. yan b un sa fne mu nung fri? sakin!!! bgyan kta pass.. haha

    ReplyDelete