Yung pc ko naayos na ng ate ko at ng kanyang mahusay na boypren. Medyo bumagal at nagtotopak na yung ym pero buti na yung ganito kay sa nag-bebeep at maarte mag-boot. And if your curious, nde ko pa nasimulan uli thesis ko.
Ganun lang talaga pag-nawalan ka ng gana.
Malabong adviser, faulty equipment, multiple deaths (MDK, haha), graduation jeeters at syempre yung hirap ng thesis yung pwede ko gawin dahilan para ma-justify kung bakit nde na nasa top priority yung aking CAPTCHATTACH (patent not pending). Pero mababaw na rason yung mga yun e.
Ang rason ko talaga e ayoko na ma-stress. Dahil gipit na ko sa oras, shift ko na lang attensyon ko sa mga exam na NOW ko na dapat problemahin. 3 baes exams at physics (Yung baes pa lang aray na). Come to think, meron pa naman ko time sa summer (although malamang sa first sem ng 06-07 na ko makakadefense dahil ganun daw talaga yun sabi ni sir baes).
Pacing lang, pacing. I mind my pace for my peace of mind.
Sawa na ko gawin yung mga bagay bagay dahil lang kasi deadline nya bukas. Kaya hinde ko naramdaman yung college life ko, kaya parang nasagasaan lang ko ng last 3 years ko dito. Its all because yung heart ko hinde nakalagay sa lahat ng ginagawa ko.
Gusto ko na ng ganun uli. Gusto ko ibalik yung feeling ng pagiging mag-aaral nung highschool, nung lahat ng bagay ki-na-kareer kasi masaya mag-aral.
Oo, aminado na kong geek pero sa tingin ko lang talaga, bakit ka naman hinde mag-eenjoy pag nadiskubre mo kung pano gumana ang radio? speakers? Kung pano mag-sched ng conflicting scheds? Na maximum of 5 colors lang ang nasa kahit anong mapa sa mundo? at kung bakit?
Ansaya matuto kasi andami matututunan. Pero kelangan ko mag-pacing. Anhirap mag-cold turkey, purol pa yung kutsilyo ng utak ko.
picture insert: Ang galing lang, ngayong umaga yan of 3/20/06
pos script: Nag-aaral na ko ng hapon ng malupet. The powah of the internet. Sa mga may ipod, www.japanesepod101.com .
gelangenie said: Gusto ko na ng ganun uli. Gusto ko ibalik yung feeling ng pagiging mag-aaral nung highschool, nung lahat ng bagay ki-na-kareer kasi masaya mag-aral.
ReplyDeletegrabe.. tama ka jan.. ganyan din ako nung hi-skul.. tapos ngyn may mga bagsak.. filing cguro ng mga kablock nten na bobo ko.. haha.. pero nde talga.. naging sbrang tamad lng ako at ngenjoy ng sobra sa college na nde ko naging priority ang pag-aaral.. kc nung ngcollege ako na realize ko na there's more to studying lng tlga.. kaya e2 ako.. 1st sem pa grad.. hay.. pero nde ko pinagccchan ang bawat minuto ng pagliliwaliw ko.. lalo na kayo un kasama ko :-) sana lng mas nabalance ko cla..
hay. isang 'hay hay' for you and for us.
ReplyDelete