Friday, December 22, 2006

maudlin

Ansarap din maka-tsamba sa panaginip-sa-pagtulog ng panaginip-sa-paggising. Sa ilalim ng buwan at mga bituin, sa ilalim ng kapirasong kumot, sa likod ng talukap ng iyong mata naka-tanghal ang palabas ng mga mithiin mo at ikaw ang nag-iisang tagapanood, ang tanging nakakaintindi.

Ngayong paskong malamig, naisipan ng langit na i-regalo sa akin ang panaganip ng panaginip. Dito, sinalubong kita sa bintana ng aming sala. Naka-ngiti kang pumasok na parang matagal ka nang uma-akyat bahay, na parang sine ito at ikaw ang bispren kong kasya sa bintana ng aking kuwarto.

Kunwari'y galit ako sa iyo dahil sa tagal kong paghihintay dito para sa iyo, napawi ang tampo sa saglit na pagtagpo ng ating mga mata.

Naglakad tayo palabas ng bahay, sa mundo ng pansamantalang takipsilim, at nagusap, nagtawanan at napalapit.

Ngunit napunta tayo sa isang malaking kuweba, sa kabilang dulo nakatayo ang ating mga kalaban. May ilang sandaling lumipas, sa kanilang tingin nakalakip ang hamon, at nang walang imik kanyang-kanyang sinimulan ang ritwal na hudyat ng bakbakan.

At saka nagtapos ang palabas ng aking mithiin, nagsara ang tanghalan at bumukas ang aking mata sa mundo kung saan iisa lang ang salita para sa pangarap at panaginip.

10 comments:

  1. fapri said: chong ang lalim ng tagalog mo... T_Tif death was my older sister, i'd feel safe knowing death is something not unknown. ;-) (haha, at oo alam ko na ayaw mo ung mga smileys na ";-)" or ":-)". haha. =p)
    malalalim ang alin?... i'd feel safe kasi pwede ko i-stall ang kamatayan, blackmail ko sya gamit yung baby pictures nya.

    ReplyDelete
  2. eeewi said: whenever i want you, all i have to is dree-ieam..dream dream dream dream dree-ieam... (kanta yan a baka isipin nyo baliw nako haha)dani ano ung isang salita mo sa pangarap at panaginip? i'd like to know haha.
    syet, kakakanta lang ng kantang yan sa videoke namin... Baader-Meinhoff!bale yung salita e yung 'dream'. for a one syllable word, makirot sya.

    ReplyDelete
  3. chong ang lalim ng tagalog mo... T_Tif death was my older sister, i'd feel safe knowing death is something not unknown. ;-) (haha, at oo alam ko na ayaw mo ung mga smileys na ";-)" or ":-)". haha. =p)

    ReplyDelete
  4. whenever i want you, all i have to is dree-ieam..dream dream dream dream dree-ieam... (kanta yan a baka isipin nyo baliw nako haha)dani ano ung isang salita mo sa pangarap at panaginip? i'd like to know haha.

    ReplyDelete
  5. gelangenie said: bale yung salita e yung 'dream'. for a one syllable word, makirot sya.
    haha onga no, how stupid of me. hahaha. 'dream' pala, malamang lang. parang indifferent nako sa mga panaginip e, wala na kameng pakelamanan. sa mga pangarap ewan ko na lang, sana hinde.

    ReplyDelete
  6. sobrang natuwa ako sa binasa ko kase nalungkot ako. ok na sana kaso ung 'bispren' natawa ako bigla e haha kase parang nakakatawang mali haha (ayokong sabihing bisaya kase parang discrimination dhel natatawa ako)

    ReplyDelete
  7. bilybilybily said: (ayokong sabihing bisaya kase parang discrimination dhel natatawa ako)
    haha, kunyare ka pa bili!

    ReplyDelete
  8. eeewi said: haha onga no, how stupid of me. hahaha. 'dream' pala, malamang lang. parang indifferent nako sa mga panaginip e, wala na kameng pakelamanan. sa mga pangarap ewan ko na lang, sana hinde.
    speakin' of dreams...



    ReplyDelete
  9. windracer said: ^Haha...masamang kapatid.
    pretty naman!

    ReplyDelete