Madilim na sa labas at ang tanging tinig na maririnig ay ang simoy ng hikab at hilik ng tulog na mga kapitbahay.
Nakabukas pa rin itong kompyuter ko at kami ay nagtititigan. Ako, naghahanap ng isa pang rason na magpapasantabi muli sa pagtulog. Siya, nagtataka kung bakit pinapagod ko siya uli ng ganito.
Pagkatapos ng mga email, sa pagsara ng mga kwento ng buhay ng iba, buksan natin lahat ng lumang kanta at baguhin ang umagang nagpapanggap na gabi.
Magkukunwari ako. Kakabahan na meron akong machine problem ipapasa next week. Pag-iisipan ko ang ubos nang load sa Ragnarok. Mananabik na ko mag-PE at kumain ng marami pagkatapos. Ibubulsa ko na yung pang-NewGen mamaya pagkatapos ng klase. Ilalabas na ang rubber shoes kong ipapares sa malaki kong pantalon at t-shirt.
Itutuloy ko ang nagdaan nang panahon, kahit na kung ang ngayon ay gayun din ang tamis.
Dahil lamang sa panaginip ko kagabi: naging tayo daw.
Doon sa panaginip, nandun ang ngayong hindi natuloy. Nandun yung mahahabang usapan nating nagtatakip sa totoong nararamdaman natin sa isa't isa. Nakita ko dun ang tawanan natin, at ang makahulugang nating mga sulyap pagkatapos. Sa pagakbay ko sayo, naramdaman kong wala na akong hahanapin pa.
Siguro gumaganti lang ako sa kapalaran. Bumabawi ako sa paglapastangan sa kapayapaan ng aking mga panaginip, sa pagpapatikim at pagbabawi.
Ngayong gabi, magkukunwari ako. Habang gising, iisipin ko iba rin ang mundo. Patas lang ang patas.

gumaganon.. hehe. minsan leche talaga yung panaginip eh no parang gago parang nangaasar.. masaya nga, hndi naman totoo...... haha gumaganon...
ReplyDeleteb3 >_<!--
ReplyDeletebilybilybily said: panaginip....
ReplyDeletemas parang bangungot e... pero ayos lang siguro kung ma-ricoyan ako, pag dun sa panaginip ko habambuhay makukulong... ... ... gumaganon...
panaginip....
ReplyDeletebilybilybily said: dani ano ka ba...hahhaha ikaw tlga. ur so gay. (you know wat i mean)
ReplyDeleteHaha, sinagot mo rin yung sarili mong tanong.
gelangenie said: pero ayos lang siguro kung ma-ricoyan ako, pag dun sa panaginip ko habambuhay makukulong... ... ... gumaganon...
ReplyDeletedani ano ka ba...hahhaha ikaw tlga. ur so gay. (you know wat i mean)
dani gusto ko pagkasulat mo neto hehe...=) ako parang pag nanaginip ako ng magandang bagay na sa totoong buhay hindi naman nanyayare parang paggising ko may konting saya pa ren. nakangiti pa nga ako minsan pagmulat ko e. haha. kasi nung nananaginip ako hindi ko naman alam (or kahit alam ko na panaginip lng, ung minsang mga panaginip na alam mong natutulog ka), totoo pa rin ung nararamdaman mo sa panaginip world. kaya parang natikman mo na den kung ano man ung inaasam mo na un, kahit sa panaginip lng. parang ganon haha. minsan nga mas maganda pa un kesa sa real thing e. may mga bagay kasi na mas magandang magstay nlng sa utak mo kesa magkatotoo tpos na-disappoint ka lng. Kasi may mga bagay na mas maganda from far away than up close. haha ano ba yun.
ReplyDeleteeeewi said: Kasi may mga bagay na mas maganda from far away than up close.
ReplyDeleteSiguro nga, sabi nga nila "too much of a good thing" nakaka-baog. Tama lang siguro na sa panaginip lang makaranas.Pero kung mangyari man sa totoong buhay, sa palagay ko mas ayos pa rin yun. Kahit na kung mabwiset lang ako, at least nakita ko na kung anu yung kalalabasan, then lipat na sa susunod na panaginip. Mas sulit daw yung buhay pag ganun e, sabi ata ni Lumen.
liyandaw said: iwi takte naalala ko yung 'waking life'..
ReplyDeleteSana mapanod ko naman yan, ambulok ng video city dito sa amin; wala man lang Eternal Sunshine >_<!--
eeewi said: haha ano ba yun.
ReplyDeleteiwi takte naalala ko yung 'waking life'.. pano kaya magpractice ng lucid dreaming.. para parang alam mo na nananaginip ka tapos pwede mo gawin kahit anong gusto mo.. pero parang nakakatakot kase malalaman mo ba kung pano ka gigising.. o kung gising ka na ba talaga o hindi.. haha.. tapos patay na pala o.. yun lang.. haha..
manell said: i was looking for a particular song for our 2nd wedding when i came across your blog.
ReplyDeleteAnd i hope you've found it ^_^ thanks for dropping by!
" Sa pagakbay ko sayo, naramdaman kong wala na akong hahanapin pa."hi. wow!my husband said those EXACT words to me not too long ago.i was looking for a particular song for our 2nd wedding when i came across your blog.very nice.you have a way with words.whenisyour bookcoming out?! =)good luck!
ReplyDelete