Nakangiti na lamang akong naglalakad pauwi. Ni sumbat o salamat, tahimik na dumaan ang anino ko sa tapat ng mga tulog na bahay, sa ilalim ng nakabantay na langit. Konting yapak pa at makikita ko na ang bahay ko; konting tulak pa makakahiga na ko uli; konti na lang at "safe" na ko, iwas muna sa mga taya sa habulang-laro ng buhay.
Natikman ko ang totoong pagod nung huling linggo. Hindi ko namamalayan, naubos na lang yung siglang iniipon ko sa puso. Dahil na rin siguro sa kalayuan ng payday, pero alam ko na ang tunay na salarin ay ang akin ding maselang puso. Napisa sa walang-tigil na pangangamba sa darating na exam sa linggo.
Nung kinagabihan ng biyernes, nakapagpasya na kong umuwi na lamang pagsapit ng alas-singko upang ipagpahinga ang duguang utak. Alam kong nag-iimbita ang ate ko na makipagkita nung gabing din yun. Pero dahil halos alas-diyes pa siya matatapos, sa susunod na araw na lang kami magkikita: sa fort sa mas makataong oras na alas-dose ng hapon.
Tumawag si mum at pilit na binago nya ang isip ko. Mag-aral na lang daw ako sa isa sa maraming bakanteng upuan ng nasabugang glorietta. Napa-buntonghininga na lang ako at ibinulsa ang cellphone bago ko pa ito maibato.
Parang inaya mo yung lawyer mag-inuman bago mag-bar exam; parang nag-commercial si Kris Aquino sa Deal-Or-No-Deal; parang inaya mong mag-jogging yung may LBM.
Hinintay ko sila sa bakanteng activity center ng glorietta, hawak ang mabigat na libro at pumipikit-pikit sa pagod. Pero nung dumating si ate, Huwaw! parang kape lang! Na-miss pala kita, kahit hindi halata.
At nung linggo, pagkatapos nang exam, pauwi't naglalakad, naramdaman ko ang masiglang tibok ng magaan kong puso. Tumibok sya nung naalala kong magkasama tayong buong pamilya sa kotse. Kumpleto, kahit sandali.
anong exam yan? parang grabe ah inihalintulad mo sa bar exams :P uu nga, super nakakamiss yang ate mo, nung nasa pinas siya nahirapan ako makatulog dahil alam kong nag iisa ako sa bahay hehehe
ReplyDeletelunakit said: wala...wala ka nang karapatan amboy!
ReplyDeletewow, geez, salamat ha, i can peel the love.. haha =p
wala...wala ka nang karapatan amboy!...wahahahaha ^____^
ReplyDeletegelangenie said: parang nag-commercial si Kris Aquino sa Deal-Or-No-Deal
ReplyDeletewoah, hey, no fair! =p
haha! na-bistow akow @_@
ReplyDeletelunakit said: woohoo bayani ka namin dean!!! panalo yung metaphors...me like me like!!! wahahaha
ReplyDeletehaha, mahaba-habang isipan din yan!
haha galing ng google, ang papangit ng results sa yahoo. >:)
ReplyDeletegaling, where did you find that picture to match the idiom?
ReplyDeletewoohoo bayani ka namin dean!!! panalo yung metaphors...me like me like!!! wahahaha
ReplyDeletev5charl said: anong exam yan? parang grabe ah inihalintulad mo sa bar exams :P uu nga, super nakakamiss yang ate mo, nung nasa pinas siya nahirapan ako makatulog dahil alam kong nag iisa ako sa bahay hehehe
ReplyDeleteyung Philippine National IT Standard exam (formerly JITSE) yun, parang board exam na din kasi ang tindi e. pakiramdam ko balik college habang nag-rereview >_<onga e... miss ko na nga sya uli e.. wala pang isang linggo. hay hay! ang buhay OFW...
fapri said: woah, hey, no fair! =p
ReplyDeletehaha! sobrang wrong timing kasi sya minsan e... fits the metaphor, sorry XD
eeewi said: >:D<
ReplyDelete>:D< kaya tooooo!!!
dani i hope your hard work pays off, pero alam ko naman na sa henyo mong yan panigurado na un >:D<!--
ReplyDeletengayon ko lang nabasa itong entry na ito. ang sweet. grabe. alaws ako masabi.
ReplyDeletemonicai said: ngayon ko lang nabasa itong entry na ito. ang sweet. grabe. alaws ako masabi.
ReplyDelete>:D<!--