By 11:30, nagsimula na umalis ang parents ko. Unti-unting nilalagay sa innova lahat ng (relief goods) gamit, gulay, prutas, cake at kama para dalhin sa Tondo. Kasama ko ang Mum ko lumabas ng pintuan ng bahay at tinitignan muna namin yung pusa namin nagbeau-beautiful-eyes. Usap konti. Hinatid ko si Mum sa car at nagbiruan pa ng konti at nagbilin ng kung anu-ano. Lumabas ang car unti-unti sa araw at sinara ko ang gate ng garahe.
Tumayo muna ko doon, kumakaway habang unti-unting papalayo ang kotse nila. Tumalikod ako at bumalik sa pintuan. Pinihit ko ang knob. Hindi siya bumukas.
Puta.
Umiikot ako sa garahe at baka iniwan yung gate sa outdoor kitchen bukas. Malaki ang lock. Nakasara ang lock.
Puta.
Umiikot ako sa kanan ng bahay. May isa pang gate dun papunta sa backyard. May nakaharang na yero at mga lumang upuan doon sa tambayan ng mga aso. Meron ding malaking kandado doon.
Holy Shit!
Frantically, binuksan ko ang bintana malapit sa front door, nagkakalansing ang bakal ng blinds habang pilit kong inaabot ang knob sa kabilang side ng pintuan.
Lagot ako.
Si Mum kasi. Tulak ng habit, nasanay nang i-lock ang door paglabas. Kasabay ko pa siya palabas.
Lagot. Lagot. Lagot.
Tumayo muna ako dun at nagmuni-muni. Bumalik ako sa tambayan ng mga aso at inakyat ang puno doon. Kaso, hindi tipong balete yung puno, parang anahaw lang, kaya nde ko pa rin abot yung bubong. Sinundan ko na lang yung pader, ingat na umiiwas sa mga bubog, at ginawang hagdan ang gate na ayaw magpapasok sa akin kanina.
Mainit din pala sa bubong at parang masarap tumambay. Yung view nde ko nga lang na-enjoy dahil sa panic at kaba na mabutas ko yung nangangalawang na bakal na niyayapakan ko. Naglakad ako papunta sa water tank at nakitang magpapaka-cliffhanger jump ako dahil malayo. Pwede din ako tumalon sa bubong ng kapitbahay, wala naman kalawang.
Natakot ako, takte. May fear of heights ako at kung san-san na ko napupunta.
Buti na lang talaga dun sa isang tabi, nakita ko yung puno namin ng duhat at may gate sa tabi nun. Bumaba ako dun at tumalon sa backyard-tambakan ng bahay namin.
Oh please, Lord, sana bukas yung pintuan sa kitchen. Kundi, magbabasag ako ng bintana.
Sa mga ganitong panahon na wala ka nang magagawa kundi umasa, dapat mahinahon ka lang siguro. Pero LINTEK YAN tumakbo ako papunta dun sa pintuan; yung pusa tumakbo sa pagkabigla.
Nasalat ko ang bakal ng knob. Umikot ang kamao ko. ~Click~
Siguro kung observant ka, alam mo na kung anu ang nangyari. Mapapansin mo ang date at oras ng post na to or napansin mo na patapos na yung post dahil malapit na maubos ang scroll bar (at pwede mo ring interpret exactly yung title). Basta yung oras, yun yung saktong oras na nahawakan ko muli yung mouse ng PC. Syempre, naghugas muna ako ng kamay. Syempre, tinawagan ko muna si Mum para magmura sana... pero ginawa ko na lang missed call.
Syempre, back to "real" life na uli: sa thesis, graduation at work. Pero kung tutuusin... parang masarap rin pala mag-akyat bahay. Exciting. Parang life or death.
hahaha dani congrats at nakapasok ka ule!! hehe. so tanggap kna sa work? i saw breaking and entering na trailer mukang maganda nga e, tell me kung ipalabas jan habang andito pa ko para magwawala ako. haha hindi naman. anyway, sana wag na manyare yan uli sayo kasi ako the last tym na hindi ako nakapasok ng bahay agad e nagkaron ng ripping at shouting sa aming bahay. hahahaha. gudlak sa mga asikasos! miss youuu >:D<!--
ReplyDeletetidsey said: may future ka na maging member ng akyat-bahay gang.. hehe! =P
ReplyDeletenot really something you aspire for, haha, pero mukhang masaya.
may future ka na maging member ng akyat-bahay gang.. hehe! =P
ReplyDeletewindracer said: So eto pala ang ginagawa mo pag breaktime mo. Haha.Parang RPG yung kwento.
ReplyDeleteonga no.. pwede ko to gawin ng flash game.
So eto pala ang ginagawa mo pag breaktime mo. Haha.Parang RPG yung kwento.
ReplyDeleteanamargaritamortel said: ang vivid naman nung story. hahahaha! hi dani! sinostalk kita. :-P
ReplyDeleteoi ana! itchu! itch rili you! ... ~ friend! ~
eeewi said: hahaha dani congrats at nakapasok ka ule!! hehe. so tanggap kna sa work? i saw breaking and entering na trailer mukang maganda nga e, tell me kung ipalabas jan habang andito pa ko para magwawala ako. haha hindi naman. anyway, sana wag na manyare yan uli sayo kasi ako the last tym na hindi ako nakapasok ng bahay agad e nagkaron ng ripping at shouting sa aming bahay. hahahaha. gudlak sa mga asikasos! miss youuu >:D<
ReplyDeleteyep, nakapasok ako sa bahay at sa work. pahirapan pareho, haha.gusto mo lang manood dahil kay jude law e (kaya ko ginagamit pichur nya lagi, para sayo)ripping sound? waw... ibang klaseng alarm yun a.
ang vivid naman nung story. hahahaha! hi dani! sinostalk kita. :-P
ReplyDeleteeeewi said: na-rip ung pants ko kasi umakyat ako ng bakod ehehehe
ReplyDeletehahahahahaha! sori.. pero, hahahahaha.
gelangenie said: ripping sound? waw... ibang klaseng alarm yun a.
ReplyDeletena-rip ung pants ko kasi umakyat ako ng bakod ehehehe
hahaha :P
ReplyDeletethings like these really happen! Buti nakapasok ka!
ReplyDeletehoneymanzano said: things like these really happen! Buti nakapasok ka!
ReplyDeletesyempre! professional burglar! my card...