Friday, June 23, 2006

the summer spirit

Kahit na tapos na ang summer, sa loob ng kwarto ko, tuloy pa rin ang pagdiriwang ng bakasyon. Malamang lang; natapos na din (sa wakas) ang OJT, nagawan ng paraan ang residency application sa school, at naghihintay na lang akong simulan ang application para Law Admission Exam ng UPD.

Nakuha ko na rin ang pinaka-mimithi na pahinga, nde yung pahinga na nasa bahay lang ako at nagve-"veg", pero yung pahinga ng utak at damdamin. Tapos na ang mga araw na magpupuyat ako dahil takot ako magsimula ang bukas, ang bumuklat ang mata ko sa umaga para lang tumitig sa computer screen at mabaliw sa OJT. Naglaho na yung pangangamba na hinde ako makaka-graduate this sem dahil hinde maaaprove ang residency ko in time. Nagsimula na ang paghahabol ko sa Law at, kasabay nun, nagkaroon na ko ng direksyon sa buhay, sa wakas.

Naghihintay lang ako. Darating ang araw na susungaban na ako ng pagod at sakit ng ulo, pero ngayon, sa oras na ito, meron akong kapayapaan; kapayapaan ng estudyanteng kakauwi lang galing sa huling araw ng pasok, matutulog nang maaga pero hinde dahil kailangan, pero dahil gusto na niya simulan ang bakasyon.

Labas tayo, gusto ko kayo hawaan.

22 comments:

  1. kung ako ay isang intrumento,magpapatugtog ako lagi sayo,kahit kung ang tugtog natin mukhang gago,ganun talaga, pag galing sa puso.

    ReplyDelete
  2. yeh congrats dani. magpahinga ng mabuti at oo labas tayo. malapit na sweldo ko.. hahaha. haha takte parang mali yun a. buti ka pa may direksyon........................ wahahaha.

    ReplyDelete
  3. labas tyo.. set ko na ah. july 15. maaga ko na cnabi ah. dat free lahat nun. okai.

    ReplyDelete
  4. haha parang bket ganon ung comment mo sa sarili mong post? at baket ka nagcomment? hahaha. takte si lian manlilibre o!!!!! hahahahaha labas daw tayo nila nuni!

    ReplyDelete
  5. vernise said: parang baliktad sken eh--> darating ang araw na magakakaroon ako ng kapayapaan, pero ngayon, sa oras na ito, sinusungaban ako ng pagod at sakit ng ulo...hahahahaha pero congrats dani!
    Iyan ay dahil nag-oOJT ka. Konting hintay na lang, daanin mo sa maraming siomai at turon, worked for me. At tsaka inuman, hahahaha. Tara!

    ReplyDelete
  6. liyandaw said: yeh congrats dani. magpahinga ng mabuti at oo labas tayo. malapit na sweldo ko.. hahaha. haha takte parang mali yun a. buti ka pa may direksyon........................ wahahaha.
    Hahaha, direction rin naman yung trabaho, dba? Buti pa nga yun e, may suweldo. huhuhuhu. Kuwentuhan tayo ng malupet, tungkol sa pagod at pagmamahal. Nax.

    ReplyDelete
  7. gelangenie said: Darating ang araw na susungaban na ako ng pagod at sakit ng ulo, pero ngayon, sa oras na ito, meron akong kapayapaan
    parang baliktad sken eh--> darating ang araw na magakakaroon ako ng kapayapaan, pero ngayon, sa oras na ito, sinusungaban ako ng pagod at sakit ng ulo...hahahahaha pero congrats dani!

    ReplyDelete
  8. gelangenie said: Iyan ay dahil nag-oOJT ka. Konting hintay na lang, daanin mo sa maraming siomai at turon, worked for me. At tsaka inuman, hahahaha. Tara!
    putcha, siomai at turon!?! wala non sa bayantel eh! brownies na lang a kape!?! tara! inuman!!! kelan ba pwede?! basta text nyo lang ko... pero shempre iba un sa lakad nyo hahaha

    ReplyDelete
  9. gelangenie said: Hahaha, direction rin naman yung trabaho, dba?
    takte.. direksyon ng taong walang direksyon.. pero technically direksyon pa rin nga. pero takte pera lang yung motivation ko.. hindi maganda e.. hahahahaha.. takte gumaganon pa. ayoko na. labas na lang nga tayo. yahu.

    ReplyDelete
  10. nuneeoww said: labas tyo.. set ko na ah. july 15. maaga ko na cnabi ah. dat free lahat nun. okai.
    GAME!!!

    ReplyDelete
  11. bilybilybily said: haha parang bket ganon ung comment mo sa sarili mong post? at baket ka nagcomment? hahaha. takte si lian manlilibre o!!!!! hahahahaha labas daw tayo nila nuni!
    'closet baduy' ako eh, hahahaha! Libre!

    ReplyDelete
  12. uuuyyy... dani and verna............ay loko lang pala.

    ReplyDelete
  13. vernise said: brownies na lang a kape!?!
    Sossy High! Hahahahaha. Pero ansarap nga nun... Lalo na pag umuulan... @_@

    ReplyDelete
  14. liyandaw said: pero takte pera lang yung motivation ko.. hindi maganda e.. hahahahaha..
    Welcome to the world, bebe!

    ReplyDelete
  15. gelangenie said: ang sagot dyan ultra joss + toma or pagmamahal, pareho namang nakakahilo yun e. wakekekeke.
    takte, natawa ako dun sa pagmamahal pero totoo, nakakahilo nga un pareho!

    ReplyDelete
  16. ang sagot dyan ultra joss + toma or pagmamahal, pareho namang nakakahilo yun e. wakekekeke.

    ReplyDelete
  17. gelangenie said: Nag-aayos ng life, sensya na
    parang gustong gusto ko talagang gawin yan kaya lang... tinatamad ako hahahaha

    ReplyDelete
  18. Nag-aayos ng life, sensya na @_@ La na ba ibang fette dyan? Kahit f-w-ette lang?

    ReplyDelete
  19. gelangenie said: Sossy High! Hahahahaha. Pero ansarap nga nun... Lalo na pag umuulan... @_@
    hahaha, mas masarap un pag kinakain sha sa 8th floor at malayo sa boss mong palautos hahaha, bket di ka sumama kahapon?

    ReplyDelete
  20. liyandaw said: uuuyyy... dani and verna............ay loko lang pala.
    putcha lian maganda yan hahahahaha...

    ReplyDelete
  21. Hmmmm.. ^_^ Onga, pagmamahal...

    ReplyDelete
  22. gelangenie said: Hmmmm.. ^_^ Onga, pagmamahal...
    hahahaha nahilo sha oh! hahahaha

    ReplyDelete