Friday, June 23, 2006

the summer spirit

Kahit na tapos na ang summer, sa loob ng kwarto ko, tuloy pa rin ang pagdiriwang ng bakasyon. Malamang lang; natapos na din (sa wakas) ang OJT, nagawan ng paraan ang residency application sa school, at naghihintay na lang akong simulan ang application para Law Admission Exam ng UPD.

Nakuha ko na rin ang pinaka-mimithi na pahinga, nde yung pahinga na nasa bahay lang ako at nagve-"veg", pero yung pahinga ng utak at damdamin. Tapos na ang mga araw na magpupuyat ako dahil takot ako magsimula ang bukas, ang bumuklat ang mata ko sa umaga para lang tumitig sa computer screen at mabaliw sa OJT. Naglaho na yung pangangamba na hinde ako makaka-graduate this sem dahil hinde maaaprove ang residency ko in time. Nagsimula na ang paghahabol ko sa Law at, kasabay nun, nagkaroon na ko ng direksyon sa buhay, sa wakas.

Naghihintay lang ako. Darating ang araw na susungaban na ako ng pagod at sakit ng ulo, pero ngayon, sa oras na ito, meron akong kapayapaan; kapayapaan ng estudyanteng kakauwi lang galing sa huling araw ng pasok, matutulog nang maaga pero hinde dahil kailangan, pero dahil gusto na niya simulan ang bakasyon.

Labas tayo, gusto ko kayo hawaan.

Wednesday, June 21, 2006

yahoo...

Naghahanap ako ng karamay, meron ba nangyari sa yahoo?

Simula kahapon, ang tagal mag establish ng connection yung yahoo messenger sa bahay; kahit meebo hinde rin kinaya which goes to show hinde sa side ko kundi sa servers ng yahoo ang problema.

After a while naka-konek na din uli. And life goes on.

Pero ngayong gabi naman, hala, yahoo mail ayaw na mag respond. Pati messenger, tulog na din.

Kamusta ang yahoo sa mga pc nyo? Just wondering, baka na-"stealth mode" ako ng yahoo.com.