Meri xmas, mga tsong. At hapi new year na rin.
Anlupet ng taon na ito, no? Para bang walang hangan na ligaya. Hinde ko tlaga maintindihan kung ano ba ginawa ko at nabigyan ko ng sooper spectacular na year (ang hula ko nga e baka dahil yung zodiac ko e naka align sa isang planetang matindi ang dating), pero malay natin, baka si God lang yun. Lagi daw kc ko kumakanta sa choir at baka ito na nga yung "just desserts". Ty, God. Ty very very much.
Grabe, and to think i never liked anyone talking bout God (much more upper-casing the 'g'). Who wouldve thunk magpapaka choir ako (voluntarily) at mag eenjoy. Fate, what a prankster.
Close na talaga kami nyang si Fate e (let's just say si God yung fate pero yun na lang yung word, para nde magmukhang self-righteous), ang year na to alone parang nahalikan ako ni Lady Luck at lahat ng mga bagay nag work out for the best. Nalulungkot nga lang ko hinde ko mahawaan lahat ng kakilala ko (para lahat nakapunta ng Rome, naka tapos agad ng sp proposal, naka jackpot ng xmas, nakaregular, nagka buklod ang family, naka maintain ng sanity, nagkaroon ng 'zest for life' pero nde yung 'soap for life', etc) para sobrang spread the love!
Gusto ko talaga magpasalamat, pero nde ko lam kung saan. Me naisip na ko pero nde ko na siguro sasabihin, paparamdam ko na lang, nax.
Ansarap tlaga mabuhay na parang nasa kamay ng tadhana ka lang. Lahat ng ginagawa mo walang regret kc iisipin mo lang na 'ganyan siguro tlaga dapat yung kakalabasan' (parang destiny ko ma-late, mapa-aga, sumakit tiyan, magsayang ng oras, mangamba, mag panic, etc.) tapos hahanapin mo nga kung anu yung sense (na late ka para sakto dating mo, maaga ka dahil tutulong ka magtulak ng kotse, sakit ng tiyan para sa bahay ka lang, magsayang ng oras para maaprciate yung oras, etc) pero siguro itong paghahanap ng sense e applicable sa lahat ng mangyaring situation. Lahat pwede majustify siguro if your optimistic enough.
Onga pala, salamat iwi sa libro. Sinadya mo ba na yung isang character pangalan Danny? Kasi kinikilabutan ako dahil nung bata ko meron din ko mga phase na meron imaginary friend... pero nilalayuan ko. Siguro kung kinunsinte ko sya baka meron astig nangyari sakin sa childhood ko, kinokontak ko sya ngayon. Yung picture sa harap ng libro... parang ganun yung pagkakaalala ko sa friend kong yun... yung balat ko gumagapang nanaman.
Sige tama na to, gagawin ko pa ang aking contingency plan para sa panic wednesday, and it is wednesday today. Sana nde mabura bigla yung post na to, anhaba e.