... "and in with the new" ika nga nila. Kung sinuman yung pasimuno nito, dapat sapakin sa mukha.
Andali lang kasi sabihing oras na para sa pagbabago, itapon ang luma at mag-SM ng brand new. Andali mag-'simplify' at maging 'objective', magbabato ng quote sa mga taong problemado.
Hay, kung ganun nga lang sana kasimple. Kaso nga lang, kampyon ang buhay sa pag-papakulo ng kung anu-anung kababalaghan.
Kapag kasi nagka-tinginan kayo ng pagbabago, hindi lang naman kahapon ang binabasura mo. Pati na rin yung mga ala-ala pinaghirapan mo ipunin, nabubura na lang din.
At yun yung masakit. Kaya siguro nung una kong nakita yung salitang 'nostalgia', parang malungkot na sakit na walang ginhawa kelanman. Haha, siguro ganun nga talaga yun.
Kaya hayun, paalam ate lita at sa beinte-dos na taong naging parte ka ng buhay namin. Ituturo ko din sa iba yung tinuro mo sa akin, yung magsakripisyo lang basta ba ikaliligaya ng lahat.
Hay, dapat kasi siguro: "Out with the old, in with the new... and hope to God you're heart doesn't get in the way."
Kung hinde lang kasi sana tayo mga puno ng saging, aanhin pa ang puso kung kirot lang naman ang naidulot nito. Pero syempre, ibang topic na yan. Yung tipong pinaguusapan kapag 'inebriated' at malapit na sa Valentine's day.