Monday, October 30, 2006

Omnia Vanitas

Gusto ko sana isipin na hinde talaga ako vain, na gusto ko lang na maayos at disente lahat. Pero nitong huling mga linggo, hindi na ko sigurado.

Nagsimula lahat sa allergy. Ilang linggo na din ako namumula dahil sa di-maipaliwanag na rason at kung covered pa rin ako ng medical plan ng mom ko, siguro nagpunta na ko agad sa doktor. Kaso nga hindi na ako pwede makalibre sa mga check-up at ang nakakainis pa eh pa-bugso-bugso ang pagtatampo ng aking balat: nandiyan at magpaplano na ko magpa-tingin, tapos mawawala at kakalimutan ko na lang.

Kutob ng ate ko meron lang akong kaso ng dry skin. 1 week ng makikay na kamo-moisturize bago matulog at mukha ngang naka-tsamba ang ate ko. Nanghihinayang lang ako sa gastos para sa moisturizer, nde na ba uso ang soap & water?

Dahil na rin sa laging nasa bahay, wala na yung mga puyat at commute na uubos sa calories na tuwang-tuwa ako ipunin. Kaya sinimulan ko nang maghanap ng mga pagbubuntungan ng oras at pawis: swim, lakad, bike, etc. Mala-triathlon ang dating pero ang habol ko lang talaga e hinde manghinayang pag nakikita ko yung mga Century Tuna commercials.

Pero ang pinaka-matinding nagawa ko talaga para lang mag-papogi e dahil sa isang t-shirt. Malaki na ako ngayon at hinde ko na kelangan magpasama kay Mommy or kay Daddy para bumili ng damit, sa kaibigan na lang kasi mas relevant ang taste nila (lalo pa at biased ang parents sa itsura ng anak nila). Kasama ang mga buddies, nag-tripping kami tumingin ng damit sa kung saan saan at dun ko nakita ang t-shirt in question.

Maganda ang t-shirt at mahal. Ako na walang trabaho o suweldo ay walang karapatan mangarap at magkaroon ng porma. Gayunman, nagpakapal na lang ako ng mukha at bumalik kay Mommy at Daddy.

Like any good story, kelangan may catch: wala nang size sa Festival. Sige lang, meron naman siguro sa Makati.

Like any good story, kelangan may twist: wala na rin size sa Makati... or sa Rockwell sabi ng masungit at tamad na saleslady nakausap kong magtawag sa ibang outlet. I-tetext naman daw ako ng shop sa ATC kapag nakahanap sila ng size sa ibang outlet; tahimik pa rin ang cellphone ko hangang ngayon.

Like any good story, mag-pupursigi ang main character: binuksan ang inaalikabok na PLDT Business Directory at inisa-isa ko ang Megamall, Robinson's Manila, SM Manila. Wala na din daw.

Like any great story, good ending naman: tinopak akong tawagan ang malayong outlet sa SM North at meron daw silang size... dalawa pa. 3 hours of commute later, nakuha ko na ang pinagdidiskitahan na t-shirt.

Masaya kong ini-hanger ang t-shirt sa kuwarto ko, tumatawa dahil sa sobrang sabog kong priorities.

Thursday, October 12, 2006

Waiting for a movie

It's not that the movies in this season actually suck, although they do sorta lack a certain glamour. The real problem is that all the long-awaited movies are showing up next year and, much to the dismay of current movies, all their trailers are hitting audiences now.

I'd love to watch Scarlet Johansson in "Scoop" and "The Prestige" (both very good from what I've seen from the trailers; a definite DVD acquisition) but I got overrun by the buzz on "TMNT", "HP5", "Spiderman3" and, of course, "A Scanner Darkly" (notice how I didn't mention "Casino Royale").

Anyway, to remedy this lack of theatre enthusiasm, here are some movies to look out for in the (hopefully) very near future:

LITTLE MISS SUNSHINE
- A sundance entry. You can't go wrong with an indie movie with Steve Carell in it!







HARD CANDY
- A UK horror/suspense film that's getting great reviews (not to mention it's got that cool Asian chick from Grey's Anatomy: Sandra Oh). Can't wait for it to hit Philippine shores.







A SCANNER DARKLY
- The much anticipated film from Richard Linklater, director of "Waking Life". Although this one has Keannu Reeves in it, it's not a romance movie so I'm willing to bet the price of an admission ticket that it's good.






curry head

A 2-minute indie horror movie. I guess you could say it's an Indian indie since there's curry involved.






chiru

Three things.

1) You could argue that Micheal Jackson ripped off the idea for his Thriller video from India since they've been doing the "dancing in the streets" thing for years.

2) If I was the girl, I'd be horrified, too.

3) Why are most male Indian movie leads old and ugly?






Friday, October 6, 2006

*cough* plug-in *cough*

More from the same. It just blows me away how they mix love and science, and we all know romantic geeks are all the rage nowadays (i think...).

Check out the site at http://xkcd.com/ which updates regularly enough.

Thursday, October 5, 2006

Monday, October 2, 2006

"mas masaya, mas maganda, pag may liwanag ang buhay."

Naisipan na din ng meralco dalhan kami ng kuryente, whew. Luckily, a few synapse fires away from a complete mental breakdown.

Nung Thursday, nonchalant pa e. Friday, medyo nararamdaman na na parang "long-haul" na 'tong disaster na to. Through the weekend, scamper around the house trying to keep things together. Pero sa Monday na nag-climax yung mind-numbing neurosis.

Ang salarin lang naman ng pagkabaliw e dahil 2 blocks away, masayang nagsasayang ng kuryente yung mga capiz balls sa puno ng bahay dun.

Nakakatuwa, na madali i-romanticize ang isang catastrophe. Madali sabihin na oras na para mag-"back2basics" at tumigil para mag-"smell ng flowers", magbago ng perspective para makita "what really matters".

Nakita ko nga... kelangan ko ng kuryente. Dahil kung walang kuryente, nabubulok ang pagkain sa ref, tumataas ang risk of fire sa bahay, bumababa ang productivity, and worst of all, hindi na pwede mag-igib ng tubig. Strictly ipinapatupad ang "If it's yellow, let it mellow. If it's brown, flush it down."

It's one thing na mag-brownout and, for one night, tahimik ang gabi at nag-paparada ang mga tala sa langit. It's another na mag-brownout for 4 nights and infringe on the human rights of water, food and security.

Sure, I should shut up dahil ngayon may kuryente na... but 4 days for power to come back? Hindi naman Hurricane Katrina ang dinatnan ng Meralco; hindi naman natupok yung mga bahay. Meron lang mga natumbang mga poste at na-sungkit ng mga linya ng kuryente here and there.

The response was slow and there should be some kind of reckoning.

Of course, hinde rin naman pananagutan ng Meralco at, in the end, siguro itong post lang ang magiging bunga ng dis-service nila.

Haha, sounds like pragmatism from someone in the depression stage of acceptance.